Batas na magpapataas allowance ng mga guro, pirmado na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang batas na magbibigay ng mad mataas na taunang teaching allowance para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magbibigay ng mad mataas na taunang teaching allowance para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Layon ng Republic Act No. 11997 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na mabigyan ng P5,000 kada guro para sa School Year (SY) 2024-2025.

Susundan naman ito ng pag-aabot ng P10,000 para sa SY 2025-2026 at bawat taon pagkatapos nito.

“I think we’re all familiar with the situation when a teacher finds themselves in financial straits. then sometimes, they’re distracted and spend their time trying to increase the support that they can provide their families and to the detriment of the actual teaching,” sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati.

“But teachers teach because it is a vocation. It is not a job; it is a vocation. Teachers teach because they feel they have to teach and they want to teach and that’s why we must give them the support so that they are allowed to do precisely that,” dagdag pa nito.

Ang bagong batas ay magkakabisa 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may malawak na sirkulasyon.