Batas na gagawa sa Manila Bay Council, lusot na sa Kamara!

Lusot na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong itatag ang Manila Bay Aquatic Resources Management Council.

Lusot na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong itatag ang Manila Bay Aquatic Resources Management Council.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pumasa sa Ikatlong Pagbasa ang House Bill 10158 sa Kamara. Layunin ng nasabing batas na itatag ang Manila Bay Aquatic Resources Management Council na magiging responsable sa pagpapangalaga ng tubig at yamang pangisda sa Manila Bay.

Dagdag ni Romualdez, layunin ng batas na tiyakin ang mabilis, magkakatulad, at epektibong pagtanggap at pagpapatupad ng mga programa ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan para sa Manila Bay, alinsunod sa utos ng patuloy na mandamus na inilabas ng Korte Suprema

Sa nasabing panukala, mahigit sa 185 pumabor habang tatlo ang tumutol.

Isasailalim din sa batas ang pagbabago sa Fisheries Code of 1998 para ilayo ang hurisdiksyon ng mga munisipyo at lungsod sa baybaying tubig ng Manila Bay.

Ang inirerekomendang MBARMC ay binubuo ng mga kalihim ng Agriculture; Environment and Natural Resources; Interior and Local Government; Human Settlements and Urban Development; Health; Public Works and Highways, and Justice.

Kasama rin sa nasabing konseho ang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority, administrator ng Local Water Utilities Administration, mga Gobernador ng lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, at Cavite, mga alkalde ng mga lungsod at munisipalidad na nasa paligid ng Manila Bay, ang commandant ng Philippine Coast Guard, at ang direktor ng Philippine National Police-Maritime Group.