Bataan-Cavite mega bridge malapit na simulan!

Isinagawa na nitong nakalipas na linggo ang bidding ng initial contract package para sa konstruksyon ng “biggest and the single most expensive project” ng Department of Public Works and Highways o DPWH na Bataan-Cavite interlink bridge.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng flagship infrastructure project ng Marcos administration at nagkakahalaga ng 219 billion pesos na pinondohan sa pamamagitan ng official development assistance o foreign loan.

Sa Build Better More forum sa New Clark City, sinabi ni DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, na posibleng simulan ang konstruksyon ng Bataan-Cavite interlink bridge sa unang bahagi o kalagitnaan ng taong 2025.

“Hopefully, it will be started either by early part of next year or middle of next year,”saad ni Cabral.

Ipinaliwanag rin ng opisyal kung bakit naantala ang pagsisimula ng konstruksyon.

Anya, naghanap ang pamahalaan ng “best financing package”.

“Sourcing the funding has been really the problem. We’re trying to get the best financing package for this biggest project of the DPWH and finally we are able to do so,” dagdag nito.

Sa oras na matapos, inaasahang mapapaikli nito ang byahe mula Bataan patungong Cavite sa 45 mins mula sa dating limang oras.