Baste kay Bong Go: Ginagamit mo lang ama ko, puro ka selfie!

“Ginagamit mo lang ang ama ko para sa publicity!”

“Ginagamit mo lang ang ama ko para sa publicity!”

Ito ang matapang na pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kay Senador Bong Go kaugnay sa pananahimik ng huli sa mga batikos na ibinabato sa kanyang pamilya at sa Davao City.

Sa Facebook post ni Go, sinabi nito na mayroong tamang panahon para sagutin ang mga isyu.

Ayon kay Go, tuloy ang kanyang pagsuporta sa mga Duterte at sa mga Dabawenyo. Pero gaya aniya ng turo ni dating Pangulong Dutete, uunahin ang pagseserbisyo, pagmamalasakit, at pagmamahal sa kapwa nang higit kanyang sarili.

Agad naman itong sinagot ni Duterte at sinabing ngayon ang tamang panahon para tumindig si Go sa paniniil ng administrasyon.

“There is a time for everything and the time is now to stand against tyranny Mr. Bong Go. Sige ra kag selfie nga naay ayuda ginahatag and if not selfie ana akong amahan kay gamiton nimo for publicity. (Panay ka lang selfie na namimigay ng ayuda, kung hindi man selfie, ginagamit mo ang aking ama para sa publicity) Wala ka imohang ikabarog nga kaugalingong pulitika? (Wala ka bang sariling paninindigan sa pulitika?) Read your own caption and reflect if you are really actually doing what you are saying, Pussy!” pahayag ni Duterte sa Facebook post.

Una nang binatikos ni Duterte si Go sa Hakbang ng Maisug rally sa Angeles City, Pampanga dahil sa pananahimik sa mga isyu sa Davao City.

Tinapos ni Duterte ang caption sa Facebook ng mga katagang “The hottest places in hell are reserved for those who, in times of great moral crisis, maintain their neutrality” by Dante Alighieri.