Baste Duterte kay Bong Go: Kung gusto mo pa mag-senador, magsalita ka!

Tila may babala si Davao City Mayor Baste Duterte kay Senador Bong Go dahil sa pananahimik nito sa mga issue na may kinalaman sa Davao, maging kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Tila may babala si Davao City Mayor Baste Duterte kay Senador Bong Go dahil sa pananahimik nito sa mga issue na may kinalaman sa Davao, maging kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng SMNI kay Baste, giniit nito na dapat nang magsalita si Go kaugnay sa mga issue na kinasasangkutan ng mga Davaoeno.

“You’re an elected official. You’re supposed to voice out what the people need and want,” giit ni Baste.

Aniya, may panahon pa para makabawi si Go mula sa pagiging tikom nito at tila pagdistansya sa pamilya Duterte.

“He has time to redeem himself. Because kung gusto pa niyang tumakbo na senador ulit, show he is one with Davaoenos especially in times like this,” saad pa ni Baste.

Ilang issue na ang pinupukol kay Digong kung saan walang naging reaksyon si Go, na dati niyang special assistant.

Kasama diyan ang pagkadawit kay Duterte sa maanomalyang paglipat ng pondo ng Department of Health patungong Department of Budget and Management.

Nandiyan din ang umano’y marahas na tangkang pag-aresto kay Apollo Quiboloy, na pinalagan nina Digong at VP Sara ngunit hindi na sumawsaw pa si Go.