Basta serbisyo, laging handa: Philippine Red Cross tumulong sa 211 fire incidents sa bansa

Tumulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa 211 fire incidents sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga bumbero, ambulance teams, food trucks, at welfare teams.

Inanunsiyo ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Sabado, Setyembre 30, na rumispunde ang ambulance units nito sa 211 fire incidents mula Enero hanggang Setyembre.

Kabilang na rito ang malaking sunog na na tumupok sa Herco Trading warehouse at sa isang residential area in Brgy. Bagbaguin, Valenzuela noong Huwebes, Setyembre 28, kung saan nagpadala ang PR ng mga firetruck na may lulang tig-walong bumbero kasunod ang dalawang ambulansya na may tig-limang trained personnel naman.

“The PRC has been responding to multiple fire incidents nationwide. We cannot predict how a fire incident such as this can reach the highest fire alarm level, so we ensure that our volunteers and staff are equipped and fully capable of responding and handling fire emergencies any time,” paliwanag ni PRC Chief Executive Officer Richard Gordon.

Ayon naman kay PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang, ang mga ipinadadalang bumbero ng PRC ay kadalasang may kasama na ring mga ambulance teams, food trucks, at welfare teams.