Basta Pinoy panalo sa kantahan! Mga byahero good vibes sa pa-videoke sa barko

Hindi nabagot ang mga byahero na papuntang Iloilo City sa kanilang pagsakay sa barko dahil sa videoke session habang nasa byahe.

Hindi nabagot ang mga byahero na papuntang Iloilo City sa kanilang pagsakay sa barko dahil sa videoke session habang nasa byahe.

Mapapanood sa TikTok post ni Albee Ann Severo na abala ang pasahero sa pag-awit sa kantang “Kisapmata” ng Rivermaya.

Hindi alintana ang init ay masaya pa ring sumasabay sa tugtugin ang lahat ng byahero.

Ayon sa panayam kay Severo, wala naman umanong bayad ang pagkanta. Sa katunayan pa nga niyan ay nabitin umano sila dahil 15 minuto lang ang itinagal ng byahe.

“Free naman siya, sinisigaw lang nila dun sa crew tapos piniplay naman nila. Bitin lang ‘yung kantahan kasi 15 minutes lang yata inabot ‘yung byahe,” sey pa nito.

Dagdag pa ni Severo, nawala ang kanilang pagod dahil sa good vibes na dala ng kantahan.

Maging ang mga dayuhan umano na kasama sa byahe ay na-enjoy at nakisali rin sa videoke session.

PANOORIN:

@beesrv

Tell me your’re Filipino without telling me you’re a Filipino 😂 Naging inuman session yata bigla yung boat ride namin from Guimaras 😂

♬ original sound – Beesrv