Basta driver, sweet lover! Trike driver sa CamNorte, namigay ng bulaklak nun’g Valentines

Love is in the air talaga ngayong Love Month kung saan isang tricycle driver pa ang nakaisip ng pakulo para sa kanyang mga pasahero.

Love is in the air talaga ngayong Love Month kung saan isang tricycle driver pa ang nakaisip ng pakulo para sa kanyang mga pasahero.

Nag-viral sa social media si Reynaldo Jocson, edad 57 mula sa Daet Camarines Norte, matapos siyang makuhanan na namimigay ng bulaklak sa kanyang mga pasahero.

Bukod sa bulaklak, may palibreng sakay din si Reynaldo sa mga pasahero niya noong Valentine’s Day.

Ayon sa anak niyang si Francis, noong nakaraang taon ay namigay na rin ang kanyang tatay ng bulaklak habang nasa biyahe.

Isa sa naging pasahero ni Tatay Reynaldo ay si Patrolwoman Cristina Macaro mula Daet Municipal Police Station.

Dahil sa tuwa sa free ride at bulaklak ay nilibre ni Macaro ang tricycle driver ng almusal.