Basta dekalidad, may manunuod nyan: Ticket sales ng MMFF, lampas P700 milyon na; record na P1.1 bilyon, target pa rin

May apat na araw pa ang MMFF 2023, kanya naman optimistiko pa rin ang organizers na mahihigitan nito ang record box office na P1.061 bilyon noong 2018.

Pumalo na sa higit P700 milyon ang ticket sales ng nga pelikulang kasama sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay MMFF Chairman Atty. Don Artes, nakopo na ang target ng nasabing festival, at inaasahan ng mga organizers na sosobra pa ito.

“As of yesterday, na-reach na po namin yung target na gross receipts, naka-700 million na as of yesterday,” saad ni Artes, na binigyang-pugay ang mga producers ng mga pelikulang lumahok sa MMFF 2023.

“Kasi sila yung nag-produce, kami po ay namili lamang. I can say na great majority (of the ten films) ay kumita na,” paliwanag ni Artes.

BASAHIN RIN: “Firefly” at “Gomburza,” namayagpag sa MMFF 2023; Vilma Santos, wagi bilang Best Actress

May apat na araw pa ang MMFF 2023, kanya naman optimistiko pa rin ang organizers na mahihigitan nito ang record box office na P1.061 bilyon noong 2018.

Iyan ay sa kabilang ng kaliwa’t kanang daing ng publiko ukol sa matataas na presyo sa sinehan.

Pagkatapos ng MMFF 2023, isasali ang lahat ng pelikula sa International Film Festival sa Los Angeles, California.