Basketball bago trabaho? Brgy Chairman dinikdik ni Rep. Paduano sa Kamara hearing

Sermon ang inabot ng isang barangay captain mula kay Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano matapos unahing manood ng basketball imbes na dumalo sa pagdinig ng Kamara.

Sermon ang inabot ng isang barangay captain mula kay Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano matapos unahing manood ng basketball imbes na dumalo sa pagdinig ng Kamara.

Inimbitahan kasi ng House Committee on Dangerous Drugs si San Malino, Pampanga barangay captain Ramolita Bautista upang maging saksi sa imbestigasyon ng P3-B illegal drug bust noong nakaraang taon.

“I’ll just like to remind you that you shouldn’t lie. Ano ka na sa akin, strike two ka na. Alam mo bakit? Because when you were invited and you were asked to be excused during that previous hearing, nagpadala ka dito ng excuse letter because of your medical condition,” sabi ni Paduano.

“Pero nandoon ka nanood ng basketball, championship. Do you confirm that you are indeed present there? Sabihin ko sa iyo ha, don’t lie because strike two ka na,” dagdag niya.

Nag-sorry naman si Bautista at sinabing totoong nagpa-check up siya ng araw na ‘yun para sa operasyon niya.

“Bale po, the other day po no’n mayroon po akong check up, kaya medyo, ano po diehard po kasi ako ng basketball at pinilit ko pong manood,” depensa niya.

Si Bautista ay isa sa mga resource person na ‘di umano’y nakasalamuha si Willie Ong, ang Chinese drug lord na siyang nagmamay-ari ng Empire 999 Realty Corp. na kung nasaan nakulimbat ang tatlong bilyong halaga ng mga droga noong 2023.