Basaan sa San Juan, sinumpa ng netizens; Laptop, cellphone, dokumento nasira!

Halos isumpa ng mga netizen ang anila’y mala-iskwater na asal ng ilang mga taga San Juan City sa pagdiriwang ng Wattah! Wattah! Festival kamakailan.

Halos isumpa ng mga netizen ang anila’y mala-iskwater na asal ng ilang mga taga San Juan City sa pagdiriwang ng Wattah! Wattah! Festival kamakailan.

Ang ilang taga San Juan kasi ay nangharang ng mga sasakyan at binasa ang mga tao.

Sa isang post, sinabi ng isang netizen na nasira ang kanyang laptop at cellphone, pati na rin ang mga mahahalagang dokumento ng mga estudyanteng kasama niya sa jeep dahil sa pambabasa ng mga taga San Juan

Viral din ang ilang videos at larawan ng naturang insidente.

Ayon kina San Juan Police Chief Col. Francis Allan Reglos at Mayor Francis Zamora, kinokolekta na nila ang lahat ng mga larawan at video sa social media para matukoy ang mga nanggulo sa nasabing basaan festival.

TINGNAN: