Barya lang para sa kanila? Solon ikinalungkot ang kakapiranggot na pondo para sa pagsasaayos ng Pag-asa Island; karagdagang pondo, hiniling

P80 milyon lang ba ang pondong ilalaan para sa Pag-Asa Island, ang tagapagtanggol ng Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea?

P80 milyon lang ba ang pondong ilalaan para sa Pag-Asa Island, ang tagapagtanggol ng Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea?

Ito ang palaisipan para kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto matapos niyang matuklasan na P80 milyon lamang ang nakalaan na pondo para pagsasaayos ng imprastraktura sa isla.

“Dalawang proyekto lang. Isang nagkakahalagang P40 million para sa pagpapatayo ng isang ‘igloo-style ammunition storage’ at isang P40 million para sa bagong dalawang palapag na military personnel barracks,” ani Recto sa isang pahayag.

“These two projects are found in the P3.8 billion ‘Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program’ or TIKAS program, under DPWH. The share of Pag-asa Island, which hosts the Rancudo Air Station and Liwanag Naval Station, translates to a mere 2.1 percent of TIKAS funds,” punto ni Recto.

Ayon sa mambabatas, nagmumukhang boladas lang tuloy ang paggiit ng gobyerno sa Karapatan ng bansa sa West Philippine Sea kung hahayaan na ganito lang ang ilalaan na pondo para sa pagsasaayos ng imprastraktura sa isla.

“For all the loud noises the government makes in defending what is ours in the West Philippine Sea, it seems that the funds it is proposing in the 2024 national budget for improving military facilities in Pag-asa Island in Kalayaan, Palawan amounts to a whimper,” aniya.

Mungkahi ni Recto, maaaring ipagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapadala ng “budget errata” sa Kongreso upang makapag-amyenda pa halaga. Maaari ring Kongreso na mismo ang gumawa ng remedyo sa pamamagitan ng institutional amendment.

“Let the earnest improvement and expansion of Pag-asa Island begin in 2024,” ayon sa mambabatas.