Baron Geisler binunyag na may anak sa pagka-binata

Nilantad ni Baron Geisler na hindi lang isa ang kanyang anak dahil mayroon pa siyang anak sa pagka-binata.

Nilantad ni Baron Geisler na hindi lang isa ang kanyang anak dahil mayroon pa siyang anak sa pagka-binata.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Baron, sinabi nito na may isa pa siyang supling bukod kay Tali, ang anak niya sa kanyang misis na si Jamie Evangelista.

Ayon kay Baron, hindi niya itinago sa kanyang misis na mayroon pa siyang ibang anak.

“When I speak the truth, I speak the truth. When I lie, I lie, so, I have someone out there. I have a kid out there, another one,” saad ni Baron.

Aniya, nakilala na raw ito ng kanyang misis, at pasalamat siya na hindi daw nagmana sa kanya ang kanyang anak na babae.

Ngunit aminado si Baron na nalulungkot siya dahil hindi niya nakasama ito habang lumalaki.

“Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan ‘yung kapangitan ng ugali ko. Pero lonely and sad kasi I didn’t get to hug her or see her grow up,” saad ni Baron.

Dalaga na raw ngayon ang kanyang anak at natutuwa raw siya na minsan ay nagre-reach out ito sa kanya.