Barko sumadsad sa Masbate, mga pasahero nasagip

Sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan ang isang barko sa Mobo, Masbate nitong Martes.

Sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan ang isang barko sa Mobo, Masbate nitong Martes.

Ayon sa ulat, malapit sa Buntod Sandbar sumadsad ang barkong MV Mobo na may sakay na 27 pasahero.

Patungo sana sa Pasacao Port sa Camarines Sur ang naturang barko nang mangyari ang insidente.

Agad naman rumesponde ang kompanyang nagmamay-ari sa MV Mobo at nakapagpadala ng rescue team, kung saan nasagip lahat ng sakay ng barko.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagloko ang timon ng barko kaya ito sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat.

Isasailalim muna sa inspeksyon ang MV Mobo bago ito payagang pumalaot muli.