Barko ng PCG, China nagsalpukan sa WPS

Nagbanggaan ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS) ngayong Martes.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea na si Commodore Jay Tarriela, nangyari ang insidente habang nasa gitna ng “rotation and reprovisioning operation” (Rore) ang Armed Forces of the Philippines. Hinarang umano ng barko ng CCG ang sasakyang pandagat ng ‘Pinas, dahilan para magbanggaan ang mga ito.

“Throughout the operation, the PCG vessels faced dangerous maneuvers and blocking from Chinese Coast Guard vessels and Chinese Maritime Militia,” saad sa post ni Tarriela sa X (dating Twitter).

“Their reckless and illegal actions led to a collision between MRRV-4407 and China Coast Guard 21555 that resulted in minor structural damage to the PCG vessel,” dagdag pa niya.

Pinadala naman ng PCG ang BRP Sindangan at isa pang sasakyang pandagat upang alalayan ang barkong nabangga.

Ani Tarriela, nagpapatuloy pa rin ang operasyon nila sa WPS sa kabila ng insidente.