Barko ng China pagala-gala sa Catanduanes

Namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Chinese research vessel na nasa northeast Viga, Catanduanes.

Namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Chinese research vessel na nasa northeast Viga, Catanduanes.

Ayon sa AFP, unang nakita ang barko ng China na ‘Shen Kuo’ noong April 25.

Sinubukan ng mga awtoridad na kontakin ang barko sa pamamagitan ng radio channel pero hindi sumasagot ang crew ng naturang research vessel.

Ayon sa report ng Tactical Operations Wing Southern Luzon, walang namataan na personnel sa main deck ng barko.

Samantala, inalerto na ng AFP ang mga barko ng Pilipinas na paigtingin ang surveillance at mag-imbestiga sa mga posibleng illegal activity na ginagawa sa karagatan ng Pilipinas.