Baril pumutok sa loob ng bag, pulis natamaan sa dibdib

Sugatan ang isang pulis matapos siyang aksidenteng maputukan ng baril na nilagay niya sa kanyang bag.

Sugatan ang isang pulis matapos siyang aksidenteng maputukan ng baril na nilagay niya sa kanyang bag.

Natamaan ng bala sa bandang dibdib ang isang pulis mula Batangas Police Provincial Office.

Nakaipit ang kanyang bag na may lamang 9mm pistol sa kanyang kilikili. Bigla na lang itong pumutok nang siya’y yumuko para kunin ang isa pa niyang bag na nasa sahig.

Ayon kay Lipa Police Station chief investigator PCapt. Ricardo Cuevas, may katransaksyon ang pulis tungkol sa sasakyan nang aksidente itong mabaril.

Tingin ni Cuevas, posibleng may naka-trigger na ibang gamit sa bag kaya pumutok ang baril.

“Siguro dahil may kasamang mga wallet or different ID’s ‘yung laman ng bag tapos may iisa lang siyang compartment, possible na na-hit niya ‘yung trigger o ng anumang bagay na nandoon, kaya nag-cause siyang pumutok,” saad ni Cuevas.

Nagpaalala ito sa ibang pulis na sundin ang safety rules pagdating sa pagbibitbit ng handgun.

Samantala, nagpapagaling pa ang pulis matapos itong isugod sa ospital.