Barbie Imperial, Richard Gutierrez spotted sa Korea

Lalong umingay ang balitang may namamagitan kina Barbie Imperial at Richard Gutierrez matapos silang makitang magkasamang namamasyal sa South Korea.

Lalong umingay ang balitang may namamagitan kina Barbie Imperial at Richard Gutierrez matapos silang makitang magkasamang namamasyal sa South Korea.

Sa Facebook, ibinahagi ng isang netizen ang larawan kung saan makikita na naglalakad ang dalawa habang nag-uusap.

Mabilis namang binura ng nag-post ang naturang larawan, subalit hindi ito nakaligtas sa mga netizen na nakapag-screenshot.

Matatandaang kamakailan lang ay nag-umpisa ang tsikang may relasyon ang dalawa nang makita rin silang magkasama sa isang gastropub sa may Alabang.

Sa ngayon, hindi pa nililinaw ng dalawa ang kanilang estado.

TIGNAN: