Barbie Imperial, Richard Gutierrez nagpapawis together?

Tumaas ang kilay ng mga netizen sa tila pag-soft launch ni Barbie Imperial sa kanyang rumored boyfriend na si Richard Gutierrez sa Instagram.

Tumaas ang kilay ng mga netizen sa tila pag-soft launch ni Barbie Imperial sa kanyang rumored boyfriend na si Richard Gutierrez sa Instagram.

Ibinahagi kasi ng aktres ang larawan kung saan makikitang nag-mirror selfie ang aktres sa isang gym.

Dito, makikita ang isang lalaki na abala rin sa pagpapapawis.

Hindi naman malinaw kung si Richard nga ba ang nasa larawan, subalit kamakailan lang ay nag-post din ang aktor na nasa gym.

Sa ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang dalawa ukol sa estado ng kanilang relasyon.