Barbie Forteza, David Licauco magdyowa datingan sa Canada

Kinilig ang mga fans ng BarDa dahil sa mala-Korean drama vibes ng photoshoot nina Barbie Forteza at David Licauco sa Canada.

Kinilig ang mga fans ng BarDa dahil sa mala-Korean drama vibes ng photoshoot nina Barbie Forteza at David Licauco sa Canada.

Sa post ng Nice Print Photography, makikita ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawa.

Napapalibutan ng snow ang Kapuso love team habang sila’y magka-holding hands.

Hirit pa ng ilang netizen, papasa na raw na prenup ang photoshoot ng BarDa couple.


Matatandaan na nabuo ang love team na ‘BarDa’ nang magsama sila sa ‘Maria Clara at Ibarra’.