Barbers nais ibalik bitay dahil sa EDSA road rage!

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na panahon na upang muling ibalik ang parusang kamatayan, lalo na matapos ang nangyaring karumal-dumal na road rage incident sa EDSA kung saan biktima ang isang family driver.

Ayon kay Barbers, ang naturang insidente ay nagpapakita kung gaano kabigat ang problema ng kriminalidad at katiwalian sa bansa.

Binigyang-diin niya na ang Pilipinas ay naging tirahan na ng mga kriminal, terorista, at maging mga dayuhang kriminal.

Kiniwestyon din ng mambabatas ang pagkakaroon ng baril ang suspek na Chinese bully at walang habas na pinatay ang inosenteng Pilipinong driver.

Iginiit niya na nakakabahala ito at nagpapakita na nagkagulo na talaga ang sistema sa bansa.

Dahil dito, nanawagan si Barbers na buhayin muli ang parusang bitay, at isama dito ang iba pang malubhang krimen.

Aniya, ito ang tanging paraan upang iligtas ang susunod na henerasyon at maibalik ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno.