Barbers: Liquid shabu hinahalo sa vape!

Isiniwalat ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na nakatanggap siya ng mga ulat ukol sa mga vape na hinahaluan ng liquid shabu at iba pang nakaka-adik na psychoactive substances.

Ayon kay Barbers, may mga ilang negosyante umano ang nagsasagawa nito upang maakit sa kanilang mga produkto.

Aniya, malinaw na ito ay seryosong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165, o ang Dangerous Drugs Act of 2002.

“If this is now being done, serious charges must be filed against these violators and hefty fines imposed against them,” ani Barbers.

“Any company, manufacturer, trader or seller who is found to be doing this will face the full might of RA 9165 and will get additional heavier penalties,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng RA No. 11900, tanging mga lasa ng tabako at mint lamang ang pinapayagan ibenta sa merkado.

Ang lahat ng iba pang lasa na itinuturing na nakakaakit sa mga menor de edad at hindi naninigarilyo ay ipinagbabawal.

Samantala, kamakailan lang ay naiulat ang unang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas dahil sa mahabang panahon na paggamit ng vape.