Barber: Magtayo EDCA site sa Surigao del Norte!

Nanawagan ang kinatawan ng Surigao del Norte na si Robert Ace Barbers ukol sa pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa kanilang lugar.

Nanawagan ang kinatawan ng Surigao del Norte na si Robert Ace Barbers ukol sa pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa kanilang lugar.

Ayon kay Barber, magiging malaking tulong umano ito para maprotektahan ang bansa laban sa sa agresyon.

Dagdag pa niya, mapu-protektahan din ng EDCA site ang pagpasok ng mga sindikato.

Aniya, ito ay ukol sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United States na nagbibigay pahintulot sa mga sundalo ng Amerika at kanilang kagamitan na makapasok sa mga military facility sa Pilipinas upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagdepensa.

“It is for this reason that myself and my brother and Surigao del Norte governor Lyndon Barbers invited Filipino and American military officials to check our province as a possible EDCA site where the US military can build facilities and preposition supplies and other equipment,” pahayag ni Salceda.

Samantala, ang mga lugar sa Pilipinas na mayroong EDCA site ay ang Camilo Osias Naval Base sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport in Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Cesar Basa Air Base sa Pampanga; Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Mactan- Benito Ebuen Air Base sa Cebu; Lumbia Airfield sa Cagayan de Oro City.