Barbaro! Maritime watchdog sinuka pambobomba ng water cannon ng China

Kinondena ng isang maritime watchdog ang pambobomba ng China ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas noong Sabado sa Ayungin Shoal.

Kinondena ng isang maritime watchdog ang pambobomba ng China ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas noong Sabado sa Ayungin Shoal.

Tinawag ni Ray Powell na “maritime barbarism” ang ginawa ng China, kung saan lubhang napinsala ang supply boat na Unaizah May 4. Nasa kalagitnaan ng resupply mission sa Ayungin Shoal ang bangka ng Pilipinas nang harangin ito ng mga barko ng China at bombahin ng water cannon.

Si Powell ay direktor ng watchdog na SeaLight, na siyang nagbabantay sa mga maritime ‘gray zone’ sa mundo. Kabilang sa kanilang binabantayan ang ilegal na panghihimasok ng isang bansa sa karagatang hindi na nila sakop.

Malinaw na nakasaad sa arbitral ruling noong 2016 na ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng Pilpinas at pasok sa exclusive economic zone ng bansa.