Barangay hall sa Albay, sinunog!

Dinakip ng mga awtoridad ang isang residente ng Brgy. Salvacion, Daraga, Albay dahil sa sadyang pagsunog sa kanilang barangay hall.

Dinakip ng mga awtoridad ang isang residente ng Brgy. Salvacion, Daraga, Albay dahil sa sadyang pagsunog sa kanilang barangay hall.

Ayon kay barangay captain Justo Lumaban, sinadya umanong sunugin ang kanilang opisina ng isang 57-anyos na residente ng kanilang lugar.

Kaagad nilang naagapan ang panununog ng suspek kaya hindi ito lumala.

Saad ni Lumaban, hindi ito ang unang insidente na nanunog ang suspek.

Mismong bahay daw nito na malapit lang sa barangay hall ay napagtripan na ring sunugin ng suspek.

Kakasuhan naman ng Daraga Fire Station ang suspek na hindi na kinilala.