Baon ng mga estudyante gustong sagutin ng solon

Nais ng isang solon na tulungan na rin ang mga estudyante sa kanilang pambaon sa eskuwelahan.

Nais ng isang solon na tulungan na rin ang mga estudyante sa kanilang pambaon sa eskuwelahan.

Isinusulong ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang House Bill No. 6908 o ang ‘Universal Educational Assistance Act’.

Layo nitong punan ang pambaon o allowance ng mga mag-aaral para makapagtapso ang mga ito ng pag-aaral.

“Ang cash assistance sa House Bill 6908 ay maliit na baon lamang, subalit malayo ang mararating nito upang ang ating mga estudyante ay makapasok araw-araw at tuluyang makatapos ng pag aaral,” ayon kay Luistro.

Batay sa panukala, P1,000 ang pwedeng matanggap ng mga estudyanteng nasa pre-elementary, P2,000 sa elementarty level, P3,000 sa junior high school level, P4,000 sa senior high school level, habang P5,000 sa mga college students.

Matatanggap nila ito kada taon base sa sinusulong na bill ni Luistro.

Hindi rin titingnan ang estado ng pamumuhay ng estudyante. Ang tanging kondisyon lamang ay pumasok ito sa 80 percent ng kanyang klase.