Bantay presyo sa bigas, paiigtingin!

Siniguro ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mahigpit na magbabantay ang Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular na ang presyo ng bigas.

Siniguro ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mahigpit na magbabantay ang Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular na ang presyo ng bigas.

Binigyang-diin ni Romualdez ang mahalagang papel ng DTI sa pagsisiguro na makatarungan ang presyo ng mga bilihin, lalo na ang presyo ng bigas, kasabay ng planong bawasan ang taripa sa imported na bigas.

Ayon pa sa Speaker, ang DTI ang “traditional price watch, watchdog” upang masiguro na sinusunod ng lahat ang programa at ang mga iminumungkahing retail price ay batay sa mga itinaas na savings mula sa mga importers, traders, retailers, hanggang sa mga palengke at konsyumer.

“They (DTI) have been the traditional price watch, watchdog kumbaga eh ‘di ba, sila ang parang pulis, to make sure that everyone is following the program and to making sure the suggested retail prices are based on the savings that are passed on to those in the supply chain—from the importers and traders, retailers, sa mga palengke, hanggang umabot sa ating mga consumers,” pahayag ni Romualdez.

Una nang nakipagpulong si Romualdez kasama ang mga opisyal ng DTI, Department of Agriculture, Bureau of Customs, at iba pang mga stakeholder kabilang ang pribadong sektor, kung saan tinalakay ang mga strategy upang mapababa ang presyo ng bigas bago pa man ilabas ang executive order ng Pangulo para sa pagbabawas ng taripa.