Bantay-bantay din! Mga lokal na pamahalaan, hinimok ng DA na magmatyag sa tamang presyo ng bigas

Hinimok ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes ang mga mga lokal na pamahalaan o local government units (LGU) ng Eastern Visayas na muling buhayin at pag-igtingin ang kani-kanilang mga local price coordinating councils upang matiyak ang pagpapatupad ng rice price cap alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand

Hinimok ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes ang mga mga lokal na pamahalaan o local government units (LGU) ng Eastern Visayas na muling buhayin at pag-igtingin ang kani-kanilang mga local price coordinating councils upang matiyak ang pagpapatupad ng rice price cap alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Elvira Torres, regional director ng DA, naglabas ang kagawaran ng isang advisory sa mga LGU bilang unang hakbang sa pagsunod sa Executive Order No. 39 na inilabas ng Office of the President noong Agosto 31.

Sa bisa ng EO 39, itinalaga ang price ceiling para sa regular milled rice sa P41 kada kilo habang P45 kada kilo naman sa well-milled rice.

“We urged local government units to reactivate the council to address the increasing prices of rice in the region. We are happy that the price of rice in the region is comparably lower than in other parts of the country,” paglilinaw ni Torres sa Philippine News Agency.

Bungsod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, nirekomenda na ng DA at Department of Trade of Industry (DTI) ang pagpapataw ng rice price ceiling na naglalayong tiyakin ang makatwirang presyo ng mga pangunahing bilihin.