Bangsamoro Gov’t suportado ang Marcos Administration

Ayon kay Minister Ebrahim mahalaga sa kanila ang democratic process para sa Bangsamoro people at self determination.

Nanindigan ang Bangsamoro Government sa pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Sinabi ito ni Bangsamoro Government Chief Minister Ahod Ebrahim sa paglutang ng usapin na ihiwalay ang Mindanao.

Ayon pa kay Minister Ebrahim mahalaga sa kanila ang democratic process para sa Bangsamoro people at self determination. Bagamat marami pa ang dapat gawin nagpapasalamat sila sa mahalagang hakbang upang makamit ang kapayapaan sa rehiyon.

Kasabay nito ay nanawagan si Ebrahim na suportahan ang kasalukuyang administrasyon at ang peace process para na rin sa kapayapaan ng rehiyon.

 

424937465 699769798939749 7468047059492688915 n