Bangkay ng nawawalang beauty queen, fiancé, natagpuan na sa Tarlac

Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda na natagpuan na ang sinasabing bangkay ng beauty Queen na si Geneve Lopez at ang Israeli fiancé nito na si Yitzhak Cohen sa isang lugar sa Capas, Tarlac.

Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda na natagpuan na ang sinasabing bangkay ng beauty Queen na si Geneve Lopez at ang Israeli fiancé nito na si Yitzhak Cohen sa isang lugar sa Capas, Tarlac.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng Gobernador na kinumpirma ito ng pulisya base sa kasuutan at gamit ng mga biktima.

“Malungkot ko po na ibinabalita sa inyo na natagpuan na ang mga bangkay ng kabalen natin na si Geneva Lopez at ang kanyang kasintahan na si Yitshak Cohen sa isang lugar sa Sta. Lucia sa Capas, Tarlac pagkatapos silang mawala ng dalawang Linggo. Kinumpirma po ito ng pulis base sa kasuotan at gamit ng mga biktima” saad ni Gov. Delta.

Huling nakita ang beauty queen at boyfriend nito noong June 21.

Pumunta raw ang mga ito sa property na balak nilang bilhin sa Capas.

June 22 nang makita naman ang sunog na SUV na sinasabing sinakyan ng dalawa at narekober din ang ilan sa kanilang gamit sa loob ng sasakyan.