Bangkay ng bata tinangkang itakas para gawing anting-anting tuhod, tainga

Itinangkang alisin ng isang grupo sa Koronadal City, Cotobato, ang katawan ng isang bata, na kalilibing lang, mula sa libingan upang gawing anting-anting ang tuhod at tainga nito.

Itinangkang alisin ng isang grupo sa Koronadal City, Cotobato, ang katawan ng isang bata, na kalilibing lang, mula sa libingan upang gawing anting-anting ang tuhod at tainga nito.

Ayon sa pahayag ng Koronadal City Police Office, hindi nagtagumpay ang nasabing grupo sa pagkuha ng bangkay.

Base sa pahayag ng awtoridad, ilan sa mga tao sa naturang lugar ay naniniwala sa pamahiing ang bahagi ng katawan ng isang patay na hindi pa nagde-decompose ay may malakas na kapangyarihan kapag kinuha sa Biyernes Santo.

Samantala, nakikipagtulungan na sa mga awtoridad ang kaanak ng biktima upang matukoy ang mga suspek.