Bangkay ng 2 bata, bumulaga sa loob ng sasakyan

Wala nang buhay ang dalawang bata nang makita ito sa isang sasakyan sa Angeles, Pampanga.

Wala nang buhay ang dalawang bata nang makita ito sa isang sasakyan sa Angeles, Pampanga.

Nakatanggap ng tawag ang City Disaster Risk Reduction Management Office tungkol sa nawawalang magpinsan na edad 2 at 3 nitong Biyernes.

Nang mahanap ng mga rescuer ang dalawang bata sa loob ng isang Toyota Vios ay wala na itong buhay.

Sa isang CCTV footage, makikita ang dalawang bata na pumasok sa sasakyan at na-trap na rito.

Inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ng magpinsan at iniimbestigahan din kung papaano nakapasok ang dalawang bata sa sasakyan.