Bamboo-han na! Kawayan isinusulong ng DA bilang panlaban sa baha

Nais ng Department of Agriculture (DA) na makikipagtulungan sa mga ahensya ng imprastraktura at pampublikong gawain upang gamitin ang kawayan o bamboo bilang pangunahing elemento sa pagkontrol ng lumalalang baha sa Metro Manila.

Nais ng Department of Agriculture (DA) na makikipagtulungan sa mga ahensya ng imprastraktura at pampublikong gawain upang gamitin ang kawayan o bamboo bilang pangunahing elemento sa pagkontrol ng lumalalang baha sa Metro Manila.

Sa isang panayam nitong Biyernes, Setyembre 1, sinabi ni DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano na ang kawayan ay maaaring itanim sa mga lugar na sa Metro Manila na wala ng mga puno at halaman.

“We all know the severity of our problem with flooding. The best solution is to plant plenty of bamboo in strategic areas because it is the fastest-growing plant, and we can quickly reforest,” ani Savellano sa panayam nito sa Philippine News Agency.

Ani Savellano, makatutulong ito upang maibsan ang mga pagbaha, tulad ng mga dulot ng malakas na pag-ulan noong unang bahagi ng linggo.

Dagdag pa ni Savellano, ang pagtatanim ng maraming kawayan sa mga “strategic areas” ay isa sa pinakamahusay na solusyon laban sa pagbaha dahil ito ang pinakamabilis na lumalagong halaman. Ito rin aniya ay sumisipsip ng tubig at humahawak sa lupa upang maiwasan ang pagguho nito.

Ayon rin kay Savellano, gumagawa rin ang mga kawayan ng 35 porsiyentong mas maraming oxygen kaysa sa iba pang mga puno, na tumutulong sa pagkontrol sa polusyon sa lungsod.

Binanggit din ni Savellano na ang planong ito ng DA ay naaayon sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makamit ang mga United Nations Sustainable Development Goals.