Balikatan hindi natinag sa presensya ng China!

Hindi nagpatinag ang mga lumahok sa multilateral maritime exercise na Balikatan kahit na mayroong mga barko ng China na malapit sa lugar ng pagsasanay sa dagat sa Palawan.

Hindi nagpatinag ang mga lumahok sa multilateral maritime exercise na Balikatan kahit na mayroong mga barko ng China na malapit sa lugar ng pagsasanay sa dagat sa Palawan.

Nakita umano kasi ang apat na barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China sa iba’t ibang pagkakataon habang sinusubaybayan ang flotilla sa nagaganap na Balikatan.

“We went there for the purpose of conducting interoperability exercises, that was our mission and we were able to finish it, they were not able to disturb us in any way nor (were we) intimidated in any way by their presence,” pahayag ni Balikatan 2024 executive agent Col. Michael Logico.

Ang unang multilateral maritime exercise ng Balikatan ay ginanap Palawan na magtatagal hanggang sa Abril 29.

Samantala, kabilang naman sa mga kalahok ang offshore patrol vessel ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz (PS-16) at landing dock na BRP Davao Del Sur (LD-602), ang landing ship dock ng US Navy na USS Harpers Ferry (LSD-49), at ang FS Vendemiaire (FFH-734) ng French Navy, isang Floreal-class frigate.