Balik unli-rice hanggang next year: Sapat ang suplay ng bigas hanggang 2024—DA

Hanggang Marso ng 2024 pa ang suplay ng bigas sa Pilipinas. Iyan ang tiniyak ng Department of Agriculture.

May bigas pa ang Pilipinas hanggang susunod na taon.

Iyan ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa isang news forum sa Quezon City. Ito ay dahil sa inaasahang magandang ani ng palay pati na rin ang mga rice imports nitong ikatlong yugto ng taon.

“Bagama’t umaasa tayo ng additional imports ay very comfortable iyong ating national stock inventory—normally, tinitingnan natin between 60 to 90 days,” paliwanag ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa. “But with our inventory plus imports, going into the first quarter of next year ay matatag po ang supply ng ating bigas sa buong bansa.”

Sa pagtatapos ng Oktubre, na karaniwang “peak harvest season,” inaasahan ng DA na magkakaroon 77 araw na national rice stock inventory para sa naturang buwan. Tataas naman ito sa 94 araw sa pagtatapos ng Nobyembre.

Sa kabuuan, tiniyak ng DA na may suplay pa ng bigas ang Pilipinas hanggang unang yugto ng 2024.