Balik kuryente sa mga naapektuhan ng ‘Aghon’, inaasikaso na

Tiniyak na ang suplay ng kuryente ay malapit nang maibalik sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Aghon, ayon sa Task Force on Energy Resiliency.

Tiniyak na ang suplay ng kuryente ay malapit nang maibalik sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Aghon, ayon sa Task Force on Energy Resiliency.

Ito ay matapos nilang ayusin ang mga power distributor at ang mga nasirang linya ng kuryente.

“The Task Force on Energy Resiliency has also been monitoring the efforts of the plants na bumabalik. So kailangan lang ma-synchronize kasama ‘yung mga linya,” sinabi ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella.

Aniya, patuloy ang kanilang pakikipagtulungan upang masiguro na maibabalik agad ang kuryente.

“So were’ monitoring this closely… parang makakabalik naman siya kasi the plants are okay, its more of the lines coming in naman ang nagiging issue. But rest assured everyone is working on this. Team work tayo para mabalik kaagad and the good thing is as mentioned by the Secretary (Lotilla) the efficient use of electricity will also contribute a lot,” wika pa nito.

Ang Bagyong Aghon ay nagdulot ng malaking pagbaba sa suplay ng kuryente sa grid, lalo na noong hindi pa nakakabawi ang mga hydro power plant mula sa mababang suplay ng tubig.

Samantala, bagaman inaasahang gaganda ang suplay ng kuryente sa mga darating na araw, hinihikayat pa rin ng DOE ang publiko na magtipid ng enerhiya upang mabawasan ang paggamit ng mas mahal na oil-based power plants.