Balewala ang mahal na singil! VIP ticketholders sa #AAA2023inPH, nag-aalburoto matapos ilayo sa stage ng PULP Live Nation

Naniningil ngayon ng “extra perks” at iba pang pribilehiyo ang mga VIP ticketholders, na nagbayad ng P25,000 kada isa. Sila ang pinaka-apektado sa desisyon ng tanyag na event organizer dahil inurong sila papalayo sa stage, at tila na-balewala ang kanilang pagbayad sa mahal na ticket.

Inuulan ng batikos ang PULP Live World matapos bigla umano nitong baguhin ang pwesto ng mga VIP ticketholders—na nagbayad ng P25,000 kada isa—papalayo sa stage dahil kinailangan ng mas malaking lugar para sa tanghalan.

Naniningil ngayon ng “extra perks” at iba pang pribilehiyo ang mga LBA VIP ticketholders, ang pinaka-apektado sa desisyon ng tanyag na event organizer dahil inurong sila papalayo sa stage, at tila na-balewala ang kanilang pagbayad sa mahal na ticket.

“Hi inang, everyone got upgraded seats except for the LBA VIPs, patrons who paid and supported this event the most. Please consider adding perks to make it fair for us. This would’ve been okay if mura lang yung ticket, but it’s 25k. Sana pala di na VIP binili namin. Thanks po,” ani @9ooyiheon sa kanyang reply sa post ni PULP Live Nation vice president at chief operations officer Happee Sy-Go.

Unang sinabi ni Go, sa kanyang pahayag sa X (dating Twitter), na nagpasya ang production at overall director na ilipat ang ibang mga manonood sa ibang pwesto nang isa-pinal ang design ng production stage kung saan itatanghal ang programa.

“To all those upgrades that were done on your tickets, I understand that some may be happy with it, some may not. But as the production stage has been finalized, it was decided by the production & overall director that it is best to put everyone in the best line of sight to enjoy the show fully since this is an Awards Ceremony and not a typical concert,” ani Go sa kanyang post.

“Some had been moved center and forward. These were done per tier and depending on your ticket tier bought. Instead of the usual common practice of everyone being moved on the day, it was done days before so that there will not be mad rush on the day as the program starts exactly at 3pm at gates open at 12noon,” dagdag pa niya.

“I apologize for any inconvenience caused but please understand that things like these are unavoidable especially when we are dealing with so many artists in 1 stage. It is always important to adjust as the final production sees fit for the best view for the audience for the entire duration (of which for this is 5-6 hours),” paliwanag pa ni Go.

Kinuyog ang post ni Go, na may hashtag na #AAA2023inPH, ng mga naimbyernang ticketholder.

“Still, I hope you consider po giving perks to all original LBA VIP holders (like red carpet sana). It seems unfair po to receive the same perks to those upgraded seats who did not pay the same as ours. 25k is a lot of money,” sinabi ni user @VirtuosoNase sa kanyang reply.

“Guarantee that original LBA Vip ticket holders will get extra benefits and access to the red carpet or refund the ticket value vs the upgrades! Don’t pass the blame to prod and director for your last minute change. The thing is, andami pang tickets and di maganda yun sa camera,” hirit naman ni @ynnminwrites.