Balasahan! 6 opisyal ng PNP binigyan bagong pwesto

Itinalaga sa bagong pwesto ang anim na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), base sa isang utos nitong Hulyo 1.

Itinalaga sa bagong pwesto ang anim na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), base sa isang utos nitong Hulyo 1.

Pinalitan ni DPCR chief Maj. Gen. Bernard Banac si Lt. Gen. Jonnel Estomo bilang bagong pinuno ng APC – Western Mindanao.

Dagdag pa riyan, itinalaga si APC-Northern Luzon chief Maj. Gen. Mafelino Bazar upang pamunuan ang DICTM.

Si Personnel Holding and Accounting Unit, Directorate for Personnel and Records Management Brig. Gen. Erich Tan Royales ay nilagay bilang bagong pinuno ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD).

Samantala, pinalitan ni DHRDD chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba si Banac bilang DPCR chief; habang si Directorate for Logistics Brig. Gen. Neri Vincent Ignacio ay ang magiging bagong pinuno ng Directorate for Comptrollership.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, isinagawa ang reshuffle upang maihanda ang mga opisyal para sa kanilang susunod na mga tungkulin.