Bakuna kontra ASF parating na sa Pinas! — DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na malapit nang maging available sa bansa ang bakuna kontra African Swine Flu (ASF).

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na malapit nang maging available sa bansa ang bakuna kontra African Swine Flu (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Hulyo 4, aaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang commercial trial ng bakuna sa susunod na dalawang linggo.

“Malapit nang lumabas ‘yung approval sa vaccine for the swine,” sabi ni Tiu Laurel.

Inaasahan ng DA na masosolusyonan ng pagbabakuna ang problema sa pagkalat ng ASF sa bansa.

“FDA and the DA are working very closely on this. Ang ganda ng teamwork namin,” dagdag ni Tiu Laurel.

Saad pa niya, napatunayan nang epektibo ang bakuna laban sa sakit na inangkat at galing pang Vietnam.

Ang African Swine Flu ay isang sakit na karaniwang tumatama sa mga baboy. Naging problema ang ASF sa bansa noong 2020 kung saan mahigit kumulang isang libong baboy ang naitalang naapektuhan ng sakit.