Bakit umiyak? Bato dela Rosa pumirma sa pagpapatalsik kay Miguel Zubiri

Hindi napigilan ni Senador Ronald 'Bato' Dela Rosa ang kaniyang emosyon habang nakikinig sa talumpati ng nagbitiw na Senate President na si Juan Miguel 'Migz' Zubiri.

Hindi napigilan ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang kaniyang emosyon habang nakikinig sa talumpati ng nagbitiw na Senate President na si Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri.

Matatandaang kabilang si Dela Rosa sa mga senador na pumirma upang tanggalin si Zubiri sa puwesto, kasama ang kapatid ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos.

Isa rin si Dela Rosa sa nag-utos ng imbestigasyon sa umano’y paggamit ng droga ni Pangulong Bongbong Marcos, na isa sa mga dahilan kung bakit naalis si Zubiri.

Bagama’t nasa isang bahagi lamang ng plenary hall, marami ang nakapansin sa pagluha ni Dela Rosa habang nakikinig sa pagbibiya ni Zubiri.

Ayon kay Zubiri, inalok niya ang kanyang pagbitiw nang ipakita sa kanya ang mga pirma ng 13 senador na sumusuporta sa pagtanggal sa kanya.

Sa huli ay nasa kabuuang 15 na senador ang pumirma upang mapaalis si Zubiri.

Sa kabila ng mga pagkakaiba, malinaw na mahigpit ang ugnayan ng dalawang senador na nagkulang sa pagpipigil ng kanilang damdamin sa panahon ng pagbibitiw ni Zubiri sa kanyang puwesto.