Bakit kaya? Katahimikan ni Sara sa pangha-harass ng China sa WPS, pinuna!

Nakabibingi umano ang ginagawang pananahimik ni Vice President Sara Duterte sa ginawang pag-water cannon ng China sa Philippine vessel kamakailan, base sa Akbayan Party.

Nakabibingi umano ang ginagawang pananahimik ni Vice President Sara Duterte sa ginawang pag-water cannon ng China sa Philippine vessel kamakailan, base sa Akbayan Party.

Sinabi ni Akbayan Party head Rafaela David, dapat umanong ipagtanggol ng Bise Presidente ang bansa ukol sa pag-atake ng China.

Mas mahalaga umano ito kaysa sa pagtatanggol ni VP Duterte kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.

“The Filipino people need real leaders, not traitors. The deafening silence of Vice President Duterte speaks volumes about her priorities,” saad nito.

“It’s bewildering how Vice President Duterte can find the time and energy to defend a disgraced figure like Quiboloy yet [can remain] eerily silent when our own countrymen and women are under attack by a foreign aggressor. Is her allegiance to justice selective, or does she simply lack the courage to stand up to China? Either way, it is despicable,” dagdag pa ni David.

Matatandaang nitong Marso 23 ay muli na namang inatake ng China Coast Guard (CCG) ang isang barkong Pilipino papunta sa Ayungin Shoal para sa isang resupply mission.