Bakasyon nauwi sa trahedya: 3 patay, 14 sugatan sa vehicular accident sa TPLEX

Galing ang van ng Caloocan city at patungo ng Manaoag para magsimba at ipa-bless ang sasakyan.

Patay ang tatlo katao kabilang ang isang senior citizen habang 14 ang sugatan sa vehicular accident sa bahagi ng Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway (TPLEX) nitong sabado ng umaga.

Ayon sa ulat, pumutok ang gulong ng van na sinasakyan ng mga biktima habang binabagtas ang TPLEX sa Barangay Tomana West Rosales, Pangasinan dahilan para magpaikot-ikot ito.

Sumalpok pa ang van sa barrier ng expressway

Galing ang van ng Caloocan city at patungo ng Manaoag para magsimba at ipa-bless ang sasakyan.