Baka napapanahon na: DOJ, isusulong ang pag-amyenda sa batas sa iligal na droga

Napapanahon nang busisiin muli ang nasabing batas dahil mahigit 20 taon na ito, at mayroon na ring mga bagong uri ng iligal na droga sa merkado.

Pag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na amyendahan ang Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa gagawing drug summit sa susunod na taon.

“In the last two years, 70,000 people were incarcerated and charged with drug offenses. Because of this, we are calling on stakeholders to review the drug law,” paliwanag ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres sa isang panayam sa National Jail Decongestion Summit na ginanap noong Miyerkules, Disyembre 6.

Dagdag pa ni Andres, napapanahon nang busisiin muli ang nasabing batas dahil mahigit 20 taon na ito.

“It is about time that we review the dangerous drugs law and how we can modify it to be more attuned to the times,” Andres added.

Partikular na titignan ng DOJ ang dami ng droga na kailangan para kasuhan ang isang suspek ng isang non-bailable offense.

Bukod pa riyan, may mga bagong uri na rin ng droga, kung kaya’t dapat nang tignan muli kung akma pa ang nasabing batas.

“Fentanyl is one of them. It is cheaper and yet 10 times more potent or deleterious than shabu. It’s another challenge for us,” sinabi pa ni Andres.

“It’s not even a part of the law. So, we have to review it to make it attuned to the new developments on this drug problem,” ayon sa opisyal.