Baka mag-invest sila: Romualdez, tiwalang mamumuhunan ang Saudi Arabia sa MIF

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isa ang Public Investment Fund ng Saudi Arabia sa mga interesadong mamuhunan sa Maharlika Investment Fund ng bansa. Ito ang pang-anim sa pinakamalaking sovereign wealth fund sa buong mundo, at mayroon itong assets na nagkakahalaga ng $607 bilyon.

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez sa positibong pagtanggap ng mga business leaders ng Saudi Arabia sa imbitasyon ng Pilipinas na mamuhunan sila Maharlika Investment Fund (MIF).

“This invitation represents an exciting opportunity for our nation, and I believe it will receive a positive response from the Saudi business community,” sabi ni Romualde sa isang opisyal na pahayag na ipinadala nito sa mga reporter sa Maynila. “It aligns perfectly with our vision of fostering international partnerships and diversifying our sources of investment for the benefit of our people.”

Dagdag pa niya, marami-rami ring business leaders ng Saudi Arabia ang nagpahayag na ng interest na mamuhunan sa MIF, kagaya ng pamunuan ng Public Investment Fund (PIF) sa pangunguna ni executive general manager Mulhan Albakree.

Ang PIF ay pang-anim sa pinakamalaking sovereign wealth fund sa buong mundo, at mayroon itong assets na nagkakahalaga ng $607 bilyon.