Baka kilala nila yung prinsipe! 2 Nigerian na may P6-M halaga ng heroin, timbog sa PDEA

Inaresto ng mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Nigerian sa Imus, Cavite at nakuhanan ng hinihinalang heroin na may halagang P6 milyon.

Dalawang Nigerian nationals ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation sa Imus.

Nakumpiska sa mga suspect ang isang kilo ng hinihinalang sa heroin na may halaga na P6 milyon.

Nakuha rin sa mga suspek ang tuyong marijuana, mga cellphone, ID, at marked money na ginamit ng mga awtoridad para bumili ng iligal na droga, ayon sa ulat ng ahensya. Mayroon pang mga na-recover na mga kontrabando sa nakatago sa mga school supplies.

Hinihinalang mga miyembro ng West African drug syndicate ang mga nasakoteng Nigerian, ayon sa PDEA.

Itinanggi ng isa sa mga suspek na may kinalaman siya sa mga naging transaction. Diumanong nakipagkita lang siya sa kanyang kababayan bago makipagkita sa kaibigang Pilipina.