Baka kaya sakitin? Kabataan Pinoy, kulang sa gulay, urban farming isinusulong na solusyon

Pwedeng alternatibong food source ang urban farming sa bansang tinatamaan na higit-kumulang 20 bagyo, ayon sa dating kalihim ng Department of Agriculture.

Tinatayang nasa 60 kilos ng gulay kada taon lamang ang kinakain ng mga pamilyang Pilipino. Ito ay mas mababa sa ibang mga bansa, kung saan ang mga pamilya ay regular na kumokonsumo ng 120 kilosng gulay.

Iyan ang sinabi ni dating Agriculture Secretary William Dar sa Pandesal Forum sa Quezon City.

“All these years, the Filipino diet became Westernized. There is what we call Westernization of the Filipino diet,” aniya. “Few young Filipinos eat vegetables. The need to eat more vegetables should be included in the curriculum, from primary, elementary, senior high school. The attitude has to be changed, that it is much healthier to eat vegetables and fruits, rather than western food.”

Bilang solusyon, isinusulong ni Dar ang urban farming, na aniya’y dapat pondohan ng pamahalaan.

Paliwanag pa niya, magandang alternatibo ito bilang food source sa bansang tinatamaan na higit-kumulang 20 bagyo. Lalo itong makatutulong ngayong nananalasa na ang El Niño sa bansa.