Baka espiya pa! Coast Guard napasok ng 36 na Chinese

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard (PCG) commandant Admiral Ronnie Gavan na nagkaroon ng 36 na miyembro ang PCG na pawang mga Chinese.

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard (PCG) commandant Admiral Ronnie Gavan na nagkaroon ng 36 na miyembro ang PCG na pawang mga Chinese.

Sa gitna ng pagdinig ng Kamara para sa PCG Reform Bill, ipinaliwanag ni Gavan na tinanggal na nila ang 36 na Tsino, na naging parte ng kanilang auxiliary force.

“We did conduct an investigation. We went through intelligence and national security agencies of the [Philippine government], and we have delisted 36 of them,” saad ni Gavan.

“We did check on their compliance and standards [we have] set [for them], and we found out that they did not comply so we initiated their delisting. They are now delisted,” dagdag pa niya.

Wika pa ni Gavan, nakapasok sa auxiliary force ng PCG ang mga Tsino dalawa o tatlong taon na ang nakararaan.

Samantala, kamot-ulo si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kung paano nakapasok sa PCG ang mga Tsino na posible pang naging espiya para sa China.

“Are foreigners like the Chinese, especially the Chinese, allowed to become members of the auxiliary force of our Coast Guard? These Chinese served as auxiliary members of our Coast Guard for two, three years… they may be performing spying duties in the guise of being auxiliary force members,” saad ni Barbers.

“We have to backtrack and find out who are the PCG personnel involved in recruiting these members because this is a national security issue. If we are infiltrated by these Chinese, then it will render our Coast Guard and Armed Forces useless. Somebody, somehow, somewhere, allowed them to be members of the auxiliary force,” dagdag pa niya.