Baka Chinese talaga nanay! Win Gatchalian hinamon ng DNA test si Alice Guo

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumailalim sa DNA test para malaman na kung sino talaga ang nanay nito.

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumailalim sa DNA test para malaman na kung sino talaga ang nanay nito.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga na makilala kung sino talaga ang nanay ni Guo, na suspetsa niya ay isa ring Chinese.

“Importante at dapat mag-DNA test silang dalawa para malaman natin ang totoo kung sila ay related o hindi,” saad ni Gatchalian.

“Dahil base sa mga nakakausap ko dito sa Valenzuela dahil nagrenta sila ng warehouse dito, may mga nagtrabaho sa kanila. Yung iba doon ay nakausap ko, yung iba nagkwento at lumalabas ipinakilala na nanay niya si Lin Wen Yi,” aniya pa.

Ayon kay Gatchalian, posibleng nanggaling sa ‘Wenyi’ ang umano’y pangalan ng nanay ni Guo na ‘Wendy’ ayon sa source ng mambabatas.

Napag-alaman ni Gatchalian na abot sa 140 beses umanong bumiyahe si Wenyi kasama ng tatay ni Guo.