‘Baka Baha Muli’: Pasok sa mga eskwelahan, opisina ng gobyerno sa Metro Manila kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Kanselado ang pasok ng mga eskwelehan sa lahat ng antas at mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ngayong Biyernes, ika-1 ng Setyembre, dahil sa inaasahang patuloy na sama ng panahon dulot ng mga Bagyong "Goring" at "Hanna," at habagat.

Kanselado ang pasok ng mga eskwelehan sa lahat ng antas at mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ngayong Biyernes, ika-1 ng Setyembre, dahil sa inaasahang patuloy na sama ng panahon dulot ng mga Bagyong “Goring” at “Hanna,” at habagat.

Ipinagutos ng Malakanyang ang kanselasyon sa bisa ng Memorandum Circular No. 30, na nagbibigay ng diskresyon sa mga pribadong kumpanya at opisina kung magpapatupad ng kahalintulad ng deklarasyon sa kani-kanilang mga organisasyon.

Ayon sa kautusan, hindi sakop nito ang mga ahensiya na kasapi sa pagbibigay ng mga basic at health services, disaster response and calamities, at pagsasagawa ng iba pang mga mahahalagang serbisyo.

Nilagdaan ang kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nalubog sa baha ang iba’t ibang bahagi ng Metro Manila noong Huwebes, ika-31 ng Agosto, matapos ang panaka-nakang pagbuhos ng ulan na nagsimula pa ng madaling araw. Nagpatupad ng suspensyon ng klase at trabaho sa mga tanggapang opisyal ang mga local government units ng Metro Manila, habang nag-anunsyo ng work suspension ang Malakanyang at Senado Huwebes ng hapon.