Bahay ng ex-comedian na si ‘Mura’, naabo sa Albay

Walang naisalba ang pamilya ng dating komedyanteng si Allan Padua, o mas kilala bilang si 'Mura', matapos masunog ang kanyang bahay sa Barangay Tupas, Ligao City, Albay kamakailan.

Walang naisalba ang pamilya ng dating komedyanteng si Allan Padua, o mas kilala bilang si ‘Mura’, matapos masunog ang kanyang bahay sa Barangay Tupas, Ligao City, Albay kamakailan.

Sa panayam kay SFO1 Leo Buenafe ng Ligao Fire Station, sumiklab ang sunog dakong alas-9:00 ng gabi.

Bago raw ito, pinasok ng mga bubuyog ang bahay nila Mura. Ang kanyang ama naman, nagpausok gamit ang bunot para maitaboy ang mga insekto.

Sa kasamaang-palad, hindi napansin ng tatay ni Mura na ilang baga mula sa kanyang pausok ang napunta sa kanilang kisame na gawa naman sa kahoy.

Bigla na lang lumaki ang sunog, at walang naisalbang gamit ang pamilya ni Mura.

Hindi na nakatawag ng bumbero dahil na rin sa liblib ang bahay ng dating komedyante.

Tinatayang aabot sa P243,000 ang halaga ng natupok ng apoy.